Gusto ko ng boyfriend na parang mag-bestfriend lang kami. Yung may tawagan kaming nickname sa isa’t isa. Mag-aasaran pero walang pikunan, masaya lang. Pupuntahan niya ko sa bahay ko na dala yung favorite kong pagkain tapos magmo-movie marathon kami together. Rerespetuhin niya ko. Wala siyang ibang hinangad kundi mapasaya lang ako. Papatawanin niya ko sa mga jokes niya kahit yung iba eh corny na. Hindi ko naman hinahangad ang isang mala-fairytale na lovelife dahil alam ko na walang ganon dito sa mundo. Alam ko na kapag nasa isang relasyon ka, mangyayari’t mangyayari ang mga pag-aaway at pagtatampuhan pero mga pagsubok lang yun sa relasyon niyo. Dun malalaman kung hanggang saan mo kayang ipaglaban ang mahal mo. Yung kapag nagtatampo ako sakanya, gagawin niya lahat para suyuin at magbati kami. Yung kapag galit yung isa, magpapakumbaba nalang yung isa imbes na magalit din. Yun ang makakapagpatagal sa relasyon eh. Tapos magkasama kaming magsisimba tuwing linggo then pupunta sa jollibee, mcdo, starbucks at kung saan pang pasyalan tuwing weekends. Magpipicture ng wacky tas post agad sa facebook at instagram para ishare sa lahat na ito yung taong nagpapasaya ng buhay ko. Siguro kapag dumating na yung lalaking yun, maiintindihan ko na kung bakit parang nakalimutan na ng iba yung mga kaibigan nila na kasakasama nila nung wala pa yung bf/gf nila. Kung may dumating ba naman na lalaki sa buhay mo na parang nandun na lahat sakanya. Hindi yung perfect na guy na pero tanggap mo yung imperfections niya. Yung guy na boyfriend mo na, bestfriend mo pa. Yung hindi mo na kakailanganin pa ng napakarami pang kaibigan kasi anjan na siya. Magkasama kaming manunuod ng sine sa malls, gagala, kakain kung saan saan. Gagawin naming inspirasyon ang isat isa para maayos buhay namin kesa dahilan para masira buhay ito. Mag-aaral kaming mabuti at tutulungan namin ang isat isa sa pagre-review o sa mga kailangang gawin regarding sa school. Napakasaya na siguro ng buhay kapag nakatagpo ka ng lalaking ganito. Yung hindi naman puro ka-sweetan ginagawa niyo, inaasar ka niya tapos tinatawag ka niya ng mga bansag. Kapag malungkot ka at may problema, isang tawag mo lang anjan na siya. Yayakapin ka niya mula sa likod at hahalikan ka niya sa noo. Anjan siya para makinig sa mga hinanakit mo pagkatapos non, okay na. Magjo-jogging kayo tuwing umagao kaya magba-bike. Ite-text ka niya palagi pagkagising mo na magpapangiti sayo buong araw. Tatawagan ka niya bago matulog. Kakantahan ka niya o kaya haharanahin. Tuturuan ka niya mag-gitara. Sasamahan ka niya sa mga lakad mo tulad ng pagsho-shopping. Tutulungan ka niyang pumili ng damit o sapatos na babagay sayo. Okay lang kahit sobrang tagal mo, siya pa magbibitbit ng mag dala mo. Yung gagawin niya to ng walang pagpapakitang tao. Lahat ng babae deserving na tratuhin na parang prinsesa ng mga lalaki. Kung lahat lang sana ganito sa mga gf nila. Pero naniniwala ako na marami pa ding lalaking gentleman dahil ang babae minamahal hindi linoloko.
—— The end// Haha! Inspired lang mag-blog tungkol dito. Thank you sa mga magtiatiyagang bumasa =))))